Constitutional crisis malabo – Malakanyang

HINDI naniniwala ang Malakanyang na magreresulta sa Constitutional Crisis ang hirit ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Korte Suprema na ipatigil ang impeachment trial sa Senado.

Dahil ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda na sa wala sa Saligang Batas ang nagsasabi na may pakialam ang Korte Suprema sa usaping ito.

Kumbinsido si Sec. Lacierda na ekslusibong  trabaho ng impeachment court ang pagsasagawa ng impeachment trial.

Aniya, ito ang dahilan kaya Kamara ang may trabahong mag-impeach habang Senado naman ang lilitis.

Nauna nang naghain ng petisyon si Corona sa Korte Suprema para ipatigil ang ginagawang pagdinig ng impeachment court sa kanyang kasong grave abuse of authority.

Ipinaalala rin nito na ang Senado bilang impeachment court ay may layuning i-check at i-hold accountable ang impeachable officials.

Ang mga impeachable officials ay ang pangulo ng bansa, bise-presidente, mga miyembro ng Korte Suprema at wala pa aniyang miyembro ng Supreme Court na maaaring mag-check sa impeachment court.

At kung sakali naman aniya na may mangyaring pang-aabuso sa kapangyarihang taglay ang impeachment court ay sinabi ni Sec. Lacierda na wala rin aniyang maaaring sumita rito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply