Conviction ni Corona ikatutuwa ni PNoy

TIWALA pa rin si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na mauuwi sa conviction ang impeachment trial laban sa Punong Mahistrado na si Renato Corona.

Nitong mga nakalipas na araw ay sunod-sunod na sinupalpal ang prosekusyon nang ibasura ng impeachment court ang pagharap sana bilang testigo ng Philippine Airlines (PAL) habang idineklarang “hearsay” naman ang ilan sa mga testimonya ni Justice Sec. Leila de Lima.

Ayon kay PNoy, maganda ang ipinakikita ng prosekusyon at naniniwala siyang magiging maganda rin ang kalalabasan nito.

Paniwala pa ni PNoy na isa sa walong articles of impeachment ang magiging dahilan para ma-convict si Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply