Cooling Tower ng Quezon City Hall nasunog

NASUNOG sa ika-apat na pagkakataon ang Quezon City Hall matapos tupukin ng apoy ang Cooling Tower nito sa kaliwang bahagi ng gusali sa Diliman, QC kaninang hatinggabi.

Ayon sa blotter book ng Quezon City Police District City Hall Detachment, dakong alas-12:00 ng hatinggabi kanina nang tupukin ng apoy ang Cooling Tower ng QC Hall (maintenance ng mga aircon).

Tumagal ang sunog ng 35 minuto at naapula lamang ng mga kagawad ng QC Bureau of Fire Protection matapos magdatingan ang may 10 bombero mula sa iba’t ibang distrito ng QC.

Sinabi pa sa ulat na tinupok ng apoy ang mga kahoy na locker ng mga maintenance ng cooling tower.

Nagsimula ang apoy matapos umanong mag-overheat ang hindi nabunot na changer ng cellphone.

Dalawang maintenance employee ng cooling tower ang naka-duty nang maganap ang sunog subalit kapwa umanong tumanggi na sa kanila ang charger na nag-overheat na naging dahilan ng sunog ayon sa ulat ng QCPD City Hall Detachment.

Wala naman iniulat na nasugatan sa naturang sunog.

Sinisiyasat na ng mga kagawad ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection ang naturang sunog at inaalam kung magkano ang napinsala.

Tumanggi naman ang dalawang naka-duty na security guard ng QC Hall sa lobby na ipabasa ang kanilang blotter book hinggil sa naturang sunog. Santi Celario

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply