Corona dudurugin sa P10M pekeng utang

TINIYAK ng House prosecution panel na tuluyang ilalantad ang pamemeke ni Chief Justice Renato Corona sa P10 milyong inutang sa isang pribadong kompanya ng kanyang kabiyak upang patunayan na nagsinungaling ang punong mahistrado sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sinabi ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na isa lamang ang inutang na P10 milyon mula sa Basa-Guidote Enterprises, Inc. (BGEI) sa ilang pagsisinungaling ni Corona sa kanyang SALN alinsunod sa paratang sa Article II o ang Non-Disclosure of SALN.

“These are the things that we are trying to prove and we are just trying to lay the predicate because this is just one of the witnesses that will prove many other aspects of the fictitious character of this alleged cash advance,” ayon kay Umali.

Nauna nang iginiit ng House prosecution panel sa impeachment court na “fictitious character” ang P10 milyong inutang ni Corona sa BGEI na siyang muling patutunayan ng ilan pang testigo na ilalantad sa pagpapatuloy ng impeachment trial.

Sa ika-10 araw ng paglilitis, sinabi ni Director Benito Cataran na binawi ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang lisensiya ng BGEI dahil wala itong aktibidad simula noong 1991 hanggang 1997.

Ayon kay Umali, ipinakita ng SEC records na peke ang nakalagay na P10 milyong utang ni Corona sa BDGEI upang patunayan na hindi siya nagkamal ng salapi sa puwesto at bagkus ay galing sa lehitimong pamamaraan ang ipinambili nito ng mga mamahaling condo units.

“What we are trying to prove is precisely this alleged cash advance is fictitious for so many reasons,” ayon kay Umali.

PInaharap ng prosecution si Cataran sa impeachment court upang patotohanan ang entry ni Corona sa kanyang SALN na nakautang ito ng P10 milyon mula sa BGEI, isang kompanya na pag-aari ng kanyang kabiyak na si Cristina.

Kinuwestiyon ng prosecution si Corona kung bakit nakakuha ito ng P10 milyong utang sa kabila nang binawi na ng SEC ang lisensiya ng kumpanya noong 2003.

Itinala ni Corona sa kanyang SALN noong 2003 na umutang siya ng P10 milyon mula sa BGEI upang ipambili ng mga condo units. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply