Corona makakanal sa bank records – Prosec

TIWALA ang House prosecution panel na tuluyan nang makakanal si Chief Justice Renato Corona sa multi-milyong bank records na hindi idineklara bilang cash assets sa kanyang Statement of Assets and Liabilities Network (SALN).

Sa ipinalabas na pahayag nitong Linggo, umaasa ang prosecution panel na tatanggapin ng Senado bilang impeachment court ang lahat ng nalantad na bank records ni Corona bilang ebidensiya na magpapatibay ng kaso laban sa chief magistrate.

Nitong nakalipas na dalawang linggo, umikot ang paglilitis sa bank deposits ni Corona na ayon sa mga testgo at records, umabot sa P32 milyon ang salapi ni Corona sa 2010 pa lamang.

Nitong Disyembre 12, 2011, ang araw nang aprubahan ang impeachment complaint, umabot naman sa P37 milyon ang salaping binawi nito sa ilang bangko.

Matinding ipinaglalaban ng depensa na huwag madeklarang ebidensiya ang bank records ni Corona dahil nakuha ang mga ito sa paglabag sa Bank Secrecy Law.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply