Corona muling ididikdik ni Justice Sec. de Lima

NAKATAKDANG ilantad pa ni Justice Secretary Leila De Lima ang sinasabi nitong iregularidad ni Chief Justice Renato Corona sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na naging sandata ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa tangkang pagtakas.

Sa abiso ng House prosecution panel, sinabi ni Iloilo Rep. Niel Tupas na nakatakdang umupo ulit si De Lima sa witness stand upang patunayan ang akusasyon na inabuso ni Corona ang kapangyarihan nito upang mapilit na makatakas si Arroyo.

“Muli siyang tetestigo sa impeachment court,” ayon kay Tupas.

Nitong Miyerkules, inilantad ni De Lima ang ilang iregularidad sa pagpapalabas ng TRO sa watch list order na ipinalabas ng Department of Justice (DOJ) sa mag-asawang Arroyo, partikular ang paggamit ni Corona sa kapangyarihan nito at pang-iipit sa dissenting opinion ni Associate Justice Ma. Lourdes Sereno.

“The TRO was improper in the sense that as we know it, your honor, it was supposed to preserve the status quo pending merits of the petition and was meant to prevent the issues involved in the main petition from being moot and academic or rendered ineffectual,” ayon kay De Lima sa impeachment court.

Noong Nobyembre 15, 2011, nagpallabas ng TRO ang SC sa inihaing petisyon ng mga Arroyo na kumukuwestiyon sa WLO na naunang ipinalabas ng DOJ na dapat munang resolbahan.

Ginawang testigo ng House prosecution panel si De Lima upang patunayan na kumiling si Corona sa pagpapalabas ng TRO pabor sa mag-asawang Arroyo upang mabigyan sila ng opurtunidad na makatakas sa paglilitis at mabigong magkaroon ng katarungan.

Kabilang sa iregularidad na nakatakdang patunayan muli ni De Lima ang hindi pagsunod ng mga Arroyo sa itinakdang kondisyon sa TRO ngunit nagpumlit itong makatakas ng bansa alinsunod sa panulat ni Corona na pumipigil sa WLO. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply