Corona nagpasaklolo na sa SC

HUMINGI na ngayon ng tulong ang kampo ni Chief Justice Renato Corona sa mga kapwa mahistrado ng Supreme Court upang mapigilan ang nakatakdang pagsilip ng Senate Impeachment Court sa kanyang bank records.

Sa inihaing petition for certiorari, hiniling ng Defense panel sa SC na ipaliwanag ang mga nakapaloob na usapin ukol sa sa umiiral na Bank Secrecy Law.

Nilinaw naman ni Atty. Karen Jimeno, spokesperson ng depensa, na wala silang balak na antalain ang impeachment trial sa halip humihiling ang kanilang panig ng paliwanag kaugnay sa mga nakabinbing “questions of law.”

Samantala, bago ito, naghain rin ng hiwalay na petisyon sa Korte Suprema ang PSBank upang harangin ang paglalabas ng Senado ng subpoena laban sa mga bank record ni Corona.

Batay sa petisyon ng bangko, mayroon umanong pagmamalabis sa kapangyarihan ang impeachment court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply