Corona sa impeachment trial oks sa Malakanyang

AYOS lang sa Malakanyang kung “pakantahin” ng Senado si Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial upang hingan ang kanyang panig kaugnay sa iregularidad ng kanyang bank records.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na kung sa tingin ng Senado ay makatutulong si Corona sa ikalilinaw ng alegasyon na nagdidiin sa kanya ay walang problema.

Sa ulat, sinabi ni Senate President Juan Ponce Enrile na tanging si Corona lamang ang makakapagpaliwanag kaugnay sa sinasabing iregularidad sa kanyang bank records, na ginamit naman bilang ebidensiya sa impeachment case sa kanya.

Sinabi ni Enrile, presiding officer ng Senate impeachment court na mas makabubuti sa kaso ni Corona, sa proseso at sa bansa kung haharap ito sa impeachment trial.

Kinukonsidera naman ng defense team ni Corona na paharapin ang huli sa impeachment trial.

Kailangan aniya munang makuha ang buong consensus ng depensa sa bagay na ito.

Samantala, kumbinsido naman ang Malakanyang na Article 2 ang pinakamalakas na reklamo laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sa naturang artikulo, nakapaloob ang pagkuwestiyon sa hindi pagdedeklara at hindi paglalabas ng Corona sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, napaka-obvious naman ang discrepancy sa SALN ni Corona.

Aniya, natuklasan sa impeachment trial ang mga ari-arian at bank accounts ni Corona na wala sa kanyang SALN.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply