Corona sinisi sa sinapit ng ‘Morong 43’

NANAWAGAN ngayon ang mga doktor at nars sa Senado na i-convict si Chief Justice Renato Corona dahil sa partisipasyon umano nito sa sinapit ng “Morong 43.”

Ayon sa Health Alliance for Democracy (HEAD), dalawang taon nang umaapela sa korte ang Morong 43 ngunit wala pa ring nangyayari.

Anila, nabaon na sa Korte Suprema ang kanilang apela dahil malapit si Corona sa mga inirereklamo.

Ani HEAD spokesperson Dr. Geneve Rivera, hindi pa nalilinis ang pangalan ng mga health worker na pinagbintangang mga miyembro ng New People’s Army.

Binigyang diin niyang biglaan ang pag-iisyu ng Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na pabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, samantalang noong hulihin ang Morong 43 ay hindi man lamang nila nilinaw kung ano ang kasalanan ng mga ito.

Bilang administrative head ng Korte Suprema, tungkulin umano ni Corona ang maging patas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply