Corteza buhay pa, Orcollo sibak na sa world 8-ball tilt

KAGAYA ng inaasahan ay nakausad sina Lee Vann “The Slayer” Corteza, Carlo “The Black Tiger” Biado at Roberto “Pinoy Superman” Gomez ng Pilipinas sa Round-of-32 ng  2012World 8-Ball Championship na ginanap sa Fujairah Tennis and Country Club sa Fujairah, United Arab Emirates kahapon (Pebrero 14).

Si Corteza,  two-time national open champion, na nasa ilalim ng Negros Billiards Stable at JSY Sports ni businessman Jonathan Sy, ay giniba si Lee Chen Man ng Hongkong, 9-2, sa Round-of-64.

Ang Davao City native na target makopo ang pangarap ng bawat billiard player na makapagtamo ng world title ay makakasargo si Nguyen Phoc Luong ng Vietnam sa susunod na round matapos itong manaig kontra kay Amin Fekry ng UAE, 9-8.

Sa isang banda nagwagi naman ang La Union bet na si Biado sa kababayan na si Elmer Haya, 9-2, habang angat naman si Zamboanga City ace Gomez kontra kay Mario He ng Austria, 9-4.

Makakatapat ni Biado siToru Kuribayashi ng Japan na nagpadapa kay Tomasz Kaplan ng Poland, 9-7, habang karibal naman ni Gomez si Mark Gray ng Great Britain na winasiwas si Maghsoud Ali ng Iran, 9-3.

Sa mga iba pang kaganapan, namayani si last year World 8-ball titlist Dennis “Robocop” Orcollo kontra kay Nasser Al Mujaibel ng Kuwait, 9-5, sa Round-of-64, subalit pinutol ni Karol Skowerski ng Poland, 9-3, ang kanyang pananalasa sa unang Round-of-32 match kinagabihan. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply