Court employees sa impeachment trial

UMAASA si Pangulong Benigno Aquino III na ipatatawag ng Senado ang iba pang empleyado ng Korte Suprema upang tumestigo sa impeachment trial laban kay SC Chief Justice Renato Corona.

Sa ginanap na 4th National Congress on the Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) sa UST Quadricentennial Pavilion, España, Maynila kanina ay sinabi nito na hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mapagbibigyan ang kahilingan ng prosekusyon na ipatawag ang iba pang court employees para magbigay ng kanilang nalalaman sa takbo ng mga kalakaran sa SC.

Sa kabilang dako, inaasahan naman ni Pangulong Aquino na hindi papayagan ng Senado na padaluhin ang ibang mahistrado ng Korte Suprema dahil sa co-equal body na trato rito.

“Mayroon talaga— ‘Yung other court employees ewan ko kung… Parang sana, sana pwedeng ipatawag ‘yon, ano. ‘Yung Supreme Court justices, I think, will be treated as a co-equal eh and that has been the tradition and the practice. A subpoena kasi says you have power over somebody and kung co-equal kayo, medyo mahirap nga naman yata ‘yung isa-summon mo ‘yung co-equal mo. Pwede mong imbitahin. Kung ma-achieve naman sa others who are not on a co-equal basis like the employees ‘yung gusto nating maipalabas diyan, sana pahintulutan ninyo, ano. But they are, ano eh, they are the ones tasked to come up with a resolution on the issue and they will be guided by their best knights maybe in the Senate,” anito.

Ayaw namang mag-komento ni Pangulong Aquino sa posibilidad na pagbasura ni Justice Sereno sa rules ng Korte Suprema para lang makadalo sa impeachment trial.

Sa ulat, sinabi ng depensa na nais lamang iugnay ng prosekusyon sa relasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Chief Justice Renato Corona ang pagpupumilit sa pagpapakita ng video ng press conference na ginanap sa Supreme Court kaugnay sa TRO laban kay GMA.

Sinabi ni dating Justice Serafin Cuevas, napaka-irrelevant ng nasabing video sa usapin na una na nilang kinuwestiyon.

Ayon kay defense spokesman Atty. Karen Jimeno at Atty. Rico Quicho, nauunawan ng depensa ang pagbawi ni Senator-Judge Antonio Trillanes sa nauna nitong mosyon na padalhan ng written interrogatories si Associate Justice Maria Lourdes Sereno upang patunayan ang dissenting opinion o expose nito kaugnay ng nasilip na katiwalian laban kay Corona.

Inihayag ng depensa na ang mahalaga ay nasunod ang rules of courts na dapat sundin hindi lamang ng prosekusyon kundi maging ng depensa.

Sinabi naman ni defense spokesman Atty. Tranquil Salvador, na maaga pa para magbigay ng komento sa pagpadalo kay Sereno.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply