Cristine Reyes nilayasan na ang nanay

NATUPAD na ang pangarap ni Cristine Reyes na magkaroon ng sariling tirahan. Ito yata ‘yung nasa Cavite na ilang buwan ding pinagawa ng aktres. Pero hindi kami sure kung ito ‘yun dahil hindi naman niya binanggit sa kanyang Facebook account. Basta ang alam namin diyan siya naghanap ng matitirhan noon kasama ang boyfriend na si Rayver Cruz.

Anyway, narito ang ilan sa mga nai-post niyang mensahe sa kanyang FB account: “Magiging abala ako ngayon sa new house ko and sa new teleserye, Nang Dahil sa Pag-ibig. So, sorry kung “baka” hindi muna ako makapag-ASAP. Hope you guys understand. Dami ko aasikasuhin.”

“I’m 23 now. Ito na ang simula ng aking pagiging solo sa buhay dahil may sarili na akong bagong bahay. Mami-miss ko ang mga pangaral at tapa ng mommy ko. Love You mommy!”

“My mom cried when I said goodbye a while ago. Sabi ko dadalaw na lang ako minsan (‘or sleep-over minsan. We have love-hate relationship pero I love her kahit na anong mangyari. Di ko na matingnan mommy ko pagsakay ko sa car.”

“Salamat sa advance birthday greetings people. I’m turning 23 this Sunday. No celebration for me dami ko kasi ginagawa.”

‘Yung New Year’s resolution niya na tututukan na raw niya ang kanyang sarili this year ay mukhang hindi niya matutupad dahil sa busy schedules niya lalo na ngayong may bago siyang serye sa ABS-CBN.

Kamakailan nga after ng taping ay bigla na naman siyang nahirapang huminga dahil sa pagod at sobrang sipon. Hindi raw siya nakatulog magdamag dahil dito. Obviously, mahina na naman ang immune system ng dalaga.

Well, ngayong wala na siya sa poder ng kanyang nanay, dapat talagang alaga niyang mabuti ang kanyang health. Sino pa ang titingin sa bawat kilos niya at mag-aalaga kapag may nararamdaman kung ang kanyang ina ay nasa Cainta at siya naman ay nasa Cavite?

‘Yun na!

***

Vice Gov. Daniel Fernando, ang pulitikong walang pahinga

AS USUAL, busy as a bee pa rin si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando dahil sa kanyang tambak na trabaho sa kapitolyo ng Malolos.

Umaga pa lang at pag-upo pa lang sa kanyang opisina ay nakapila na ang kanyang mga kababayan na humihingi ng tulong. Nagmula pa ang karamihan sa mga malalayong lugar ng Bulacan. Palibhasa, mahal ni Vice Gov. Daniel ang kanyang constituents kaya imbes na pabalikin sila sa susunod na schedule, pinipilit na lamang niyang tapusin ang pila kahit inaabot ito ng madaling araw. Tatlong beses sa isang linggo niya ginagawa ang ganitong serbisyo kung saan personal niyang nakakaharap ang mga taong may iba’t ibang problema sa buhay.

Pero magtataka ka kung paanong napapanatili ni Vice Gov. Daniel ang kanyang kakisigan at kagwapuhan sa kabila ng tambak na problemang dumarating sa kanya araw-araw.

Ayon sa kanya, puhunan nya ang kanyang mukha at tindig kaya dapat lamang na alagaan niya ito dahil dito nagsimula ang lahat. Tama nga naman. Mula sa pagiging artista ay naging pulitiko siya. At hanggang ngayon ay hindi niya nakakalimutan ang pag-arte sa harap ng camera.

Sa ngayon, ginagawa niya ang isang Indie film na “Suntok sa Buwan.” Ito ay kuwento ng isang taong nangangarap na maging isang tanyag na boksingero. Kaya lahat ng sakripisyo at hirap ay ginagawa para maabot ang kanyang pangarap.

Medyo hindi ngarag ang aktor/pulitiko sa shooting, taping at iba pang proyekto sa showbiz dahil hindi naman ito katulad last year and the previous years na kung saan kaliwa’t kanan ang kanyang commitments. Dahil freelance actor siya, nagagawa niyang humataw alinmang TV stations.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply