Customs clerk na may Porsche inilagay sa floating status

NASA floating status na ang isang Bureau of Customs clerk matapos itong masangkot sa isang traffic altercation sa dalawang estudyante na humantong sa habulan sa kalsada at barilan sa Pasay City.

Sa isang interview kay BOC Commissioner Ruffy Biazon, nakunan pa sa CCTV ang paghahabulan ng mga sasakyan ng dalawang estudyante na hindi na pinangalanan ng magulang para sa kanilang seguridad at nang Customs clerk na si Paulino Elevado.

Dahil sa takot ng mga estudyante ay agad silang dumulog sa pulisya at ipinaraing sa tanggapan ni Biazon ang kaganapan kung saan ipinag-utos nito na imbestigahan si Elevado dahil sa posibleng “grave abuse of authority.”

Ayon pa kay Biazon, inihahanda na rin ang lifestyle check kay Elevado matapos mapag-alamang nagmamaneho ito ng luxury car na Porsche kung saan bilang ordinaryong empleyado umano ng gobyerno na sumasahod lamang ng P9,000 hanggang P12,000 ay walang kakayahang makabili ng magagarang sasakyan.

Matatandaan na hinabol ni Elevado sakay ng kanyang Porche ang dalawang estudyante na sakay naman ng Toyota Innova nang masagi umano ng huli ang sasakyan ng Customs clerk na humantong sa pmamamaril noong Enero 21, 2012. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply