DA naghahanda na sa taniman ngayong summer

PUNONG abala ngayon ang Department of Agriculture (DA) sa pagpapatayo ng mga proyektong may kinalaman sa agrikultura para mapaghandaan ang buwan ng taniman ngayong summer sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, bukod sa irrigation system at irrigation canal, kabilang din sa kanilang proyekto ang pagtatayo ng farm to market road, imbakan ng mga agriculture product at pamilihan

Ang nasabing programa ay hakbang ng gobyerno bilang tulong sa mga magsasaka upang hindi mabulok at mapadali ang pagbebenta ng kanilang mga ani.

Tiniyak din ni Alcala na sapat ang kanilang pondo para sa mga proyektong pang-agrikultura ngayong taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply