Dagat sa Cebu hindi kumukulo– Phivolcs

KINALMA ng pamunuan ng Philippine Institute of Volcanology ang Seismology ang publiko dahil sa pangambang pagkulo ng tubig sa dagat ng Dumanhog, Cebu.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, hindi kumukulo ang naturang dagat kundi pagbula lamang ang nakikita sa dagat.

Ito aniya ay posibleng dahil sa mga nangyayaring decomposition sa ilalim ng dagat dulot ng mga naanod na mga dahon.

Malaki rin ang posibilidad na mahinang paggalaw ng lupa sa ilalim ng dagat dahil sa nagdaang lindol, lalo pa’t kakatapos lang ng lindol nang makita ng ilang residente sa lugar ang sinasabing pagkulo ng tubig sa dagat.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Solidum na walang bulkan sa ilalim ng dagat sa Dumanhog dahil malayo ang Cebu sa mga linya ng may bulkan sa bansa, ito ay base na rin sa siyentipikong pag-aaral.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply