Dagdag singil sa langis pa sa susunod na linggo

MAKARAAN muling magtala ng pagtaas ang presyo ng petroleum products sa pandaigdigang pamilihan ay ikakasa naman ang dagdag singil sa langis sa susunod na linggo,

Lumalabas na tumaas ang presyo ng langis sa international market dala na rin ng pangambang dulot ng nuclear program sa Iran.

Ang New York’s main contract para sa light sweet crude para sa April delivery ay tumaas ng 72 cents sa halagang $108.55 kada bariles habang ang Brent North Sea crude ay tumaas naman ng 37 cents o $123.99 per barrel.

Matatandaan na nauna nang itinigil ng Iran ang pagbebenta ng langis sa Britain at France bilang paghihiganti sa planong European oil embargo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply