Dahil sa kidnapping: Tourism slogan balewala

NANINIWALA ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na balewala lamang at sirang-sira na ang slogan ng Department of Tourism (DOT) na “It’s More Fun in the Philippines” dahil sa sunud-sunod na kidnapping incidents na nagaganap sa bansa.

Ayon kay Malolos Bishop Jose Oliveros, chairman ng Episcopal Commission on Bioethics ng CBCP, totoo namang maraming turista ang nagagandahan sa Pilipinas ngunit dahil wala namang kapayapaan sa bansa ay nababalewala ang kagandahang ito.

Kasabay nito, umapela si Oliveros sa pamahalaan na panindigan ang slogan ng DOT at bigyan ito ng mas malalim na kahulugan sa pamamagitan nang paggawa ng aksiyon upang magkaroon ng kapayapaan sa bansa, partikular na sa Mindanao.

Umaasa rin naman si Oliveros na ligtas na makakabalik sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga taong kinidnap ng mga armadong grupo sa Mindanao at magsisisi at magbagong-buhay na ang kanilang mga kidnaper.

Samantala, naniniwala naman si Digos Bishop Guillermo Afable na kahirapan at kawalan ng political will ng pamahalaan ang ugat ng kidnapping sa bansa.

Ayon kay Afable, hangga’t hindi natutugunan ng gobyerno ang laganap na kahirapan sa Mindanao maging sa ibang parte bansa ay lalong tataas ang bilang ng krimen at kidnapping.

Mahina din aniya ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga security measures tulad ng pagsawata sa mga loose firearms at pagkakaroon ng mga sibilyan ng baril kaya dumarami ang kaso ng krimen sa bansa.

Ayon kay Afable, kultura ng mga Filipino kahit pa Muslim na kapag nagigipit ay kumakapit sa patalim at inilalagay sa kamay ang batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply