Dalaga nakoryente sa Boracay Island, patay

PATAY ang 22-anyos na dalaga matapos makoryente sa Boracay, sa report ng Aklan PNP ngayong hapon.

Sa report, kinilala ang biktima na si Charlene Gay Conanan, ng Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan at kasalukuyang nagtatrabaho bilang room attendant sa isang resort sa isla.

Nabatid na nasunog ang ulo ng biktima sanhi ng lakas ng boltahe na gumapang sa kanya na naging sanhi ng kanyang dagliang kamatayan.

Nangyari ang insidente habang pababa ng hagdan sa nasabing resort ang biktima at sumagi sa live wire ng Aklan Electric Cooperative habang ibinababa ang curtain steel rod.

Agad namang sinaklolohan ng mga kasamahan ang biktima at dinala sa isang private clinic bago inilipat sa isang private hospital pero binawian din ng buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply