Dalaga patay sa flashfloods sa Camarines Sur

ISANG 18-anyos na babae ang nasawi makaraang wasakin ng rumaragasang baha ang ilang tahanan sa Camarines Sur.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa kanilang 6:00 a.m. update Lunes ng Pebrero 13, nagdulot ng flash floods ang nararanasang malakas na pagbuhoks ng ulan dult ng low pressure area noong nakaraang linggo.

Nakilala naman ang biktima na si Lilia Alarcio, ng Brgy. Munti Calbaryo , Buhi, Camarines Sur.

Base pa sa ulat ng The NDRRMC, natangay ng anod sa ilog ang biktima habang tumatawid sa Buhi River ngunit kaagad namang narekober ang bangkay nito.

Ayon pa sa ulat, nakaranas din ng pagbaha ang Dagami, Pastrana at bayan ng Tanauan sa Leyte at sinasabing 13 pamilya o 75 katao ang inilikas sa Brgy. Tacuranga, Palo (Leyte).

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply