Dalaga pinulutan ng 2 kainuman

SWAK sa kulungan ang isang tricycle driver matapos halayin ang dalagang kainuman sa Caloocan City kagabi (Pebrero 20).

Nakilala ang nadakip na si Cesar Perez, 32 ng Maligaya Park subdivision habang pinaghahanap naman ang si Jose Robert Santos, 27 ng Doña Ana Brixton, Camarin ng lungsod, na nagtago matapos ang krimen.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi, kainuman ng mga suspek ang dalagang 19-anyos sa loob ng bahay ni Santos sa nasabing lugar.

Nagkalasingan hanggang sa tutukan ng patalim ng mga suspek at halinhinan hinalayin ang biktima.

Nang makaraos ay hinayaan ng mga suspek na makauwi ang biktima subalit nagsumbong sa mga pulis ang dalaga na naging dahilan upang damputin ang mga una subalit nakapuga si Santos.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply