Dalaga pinuntirya ng airgun ng 11-anyos

BAGAMAT ligtas na sa panganib ay ramdam pa rin ng isang dalaga ang tama sa kanyang leeg matapos mabaril ng airgun ng 11-anyos na lalaki sa Upper, Mainit, Malungon, Sarangani Province.

Kinilala ang biktima na si Criselda Malik, 17, habang itinago naman sa pangalang Moymoy ang salarin.

Sa salaysay ng ama ng biktima na si Bernardo Malik, nakita ng kanyang apo na si Moymoy ang kanyang airgun sa likurang bahagi ng kanilng dingding at hindi namalayang pinuntirya na nito ang dalagang tiyahin na tinamaan sa leeg.

Inamin ng ama ng dalaga na nakalimutan niyang kunin ang bala ng airgun matapos ang plano sanang pamamaril ng mga ibon sa kanilang farm.

Sa ngayon ay patuloy pang ginagamot ang dalaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply