Dalagang anak ng singer pinabalik sa US sa takot na mabiktima ng ma-el na produ

NAGTAGPO isang araw ang dating sikat na male singer at ang kanyang produ para pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol sa kanyang pagbabalik recording. Kasama ng una ang kanyang pamilya nang pumunta sa opisina ng dati niyang boss. Pero imbes na maging interesado ang huli sa proposal ng dating alaga na nagbigay sa kanya ng kayamanan dahil sa natamong kasikatan nung araw, mas natuon ang pansin nito sa kasamang anak na dalaga.

Pilit na kinukumbinse ng ma-el na produ ang singer na pag-artistahin ang anak nito dahil may potensyal daw na sumikat ito lalo na kapag hinawakan daw niya. At ora mismo ay in-screen ng lokong produ ang magandang dilag. Pinag-model sa kanyang harapan. Sinipat  nang husto ang maganda nitong legs at ang boobs. Halos tumulo ang laway ng lintek sa katitingin sa lekat. At ayon sa dalaga, nang hawakan daw siya ng ng kapitalistang nuknukan ng libog, nanginginig daw ang kamay nito at tagos sa kanyang makapal na damit ang init ng palad nito.

Napa-oo na lamang umano ang singer na pag-artistahin ang kanyang anak sa kapipilit ng producer. At ‘yung sarili niyang career na gusto niyang i-revive ay puro “oo” lamang ang sagot ng animal. Pero ramdam niyang wala nang interes sa kanya ang dating amo kundi sa daughter niya.

Nang umuwi ng bahay ang mag-anak, nangangalisag pa ang mga balahibo ng magandang tsik sa pagkadiri sa produ. Kaya’t imbes na magtagal sa pagbabakasyon ang sariwang dilag ay nagdesisyon ito at ang kanyang amang singer na pabalikin na lamang sa Tate ang una.

Ngunit sadyang makulit si mokong. Ang hindi nito alam wala na sa Pinas ang trip niyang dalaga, pero panay ang tawag nito sa singer, kailangan daw pumunta na sa opisina ang anak niya para pumirma ng kontrata.

Well, sa madaling sabi, hindi natupad ang ilusyon ng mabogling produ at siyempre, di rin nangyari ang pinapangarap na pagbabalik ng magaling na mang-aawit na may matinis na boses.

***

Amy Perez pinatalsik ni Atty. Persida Acosta

SA AYAW at sa gusto ni Atty. Persida Acosta talagang maikukumpara ang kanilang mga programa ni Amy Perez sa isa’t isa. Pereho ang forte nito, may talakayan, drama at mga problemang ligal na dinudulog. Ang kalamangan lamang ng Public Atorni:Areglo o Asunto ni Pao Chief Atty. Acosta ay nareremedyuhan at nadadala sa korte ang usapin. Hindi katulad ng Face- To-Face ni Amy na nakasentro lamang sa aregluhan at pagpapayo.

Kung ako ‘yung taong may problema, aba’y kay Atty. Persida na ako lalapit. Matutulungan ako sa aspetong legal. Hindi pa mapaglalaruan ang problema ko at hindi ko sasapitin ang sobrang kahihiyan dahil sa pangangalkal ni Perez. Mas natutuwa kasi ang huli kapag may pinagtatawanan. Ginagawa niyang laughing stock ang guest niya.

Iba talaga ang abogado ang host sa ganitong mga programa. Hindi katulad ni Amy na hindi malaman ng tao kung siya ba’y ang namayapang Tia Dely o si Annabelle Rama sa katarayan.

Anyway, ang kahalagahan ng Public Atorni ay nakita ng pamunuan ng TV5 kaya ginawa itong araw-araw mula sa isang beses sa isang linggo. Mapapanood na ito tuwing alas-4:30 ng hapon, ang oras kung saan inuokupa ng programa ni Ms. Perez at ito namang huli ay ibinalik sa rati niyang oras sa umaga.

***

Daisy Romualdez punong-puno na kay Annabelle Rama

TOTOO ba itong tsismis na narinig namin na punong-puno na raw ang salop para kay Tita Daisy Romualdez at nagpipigil lamang itong komprontahin si Madam Annabelle Rama. Isinaalang-alang pa rin daw ng una ang pinagsamahan nila nitong huli kaya tikom na lamang ang kanyang bibig.

Hindi naman kasi nasunod ni Bisaya ang mga ipinangako nito kay Danita Paner. Pati nga raw ‘yung 10% na dapat ay mapunta Kay Tita Daisy ay ibinubulsa na nitong mortal na kaaway ni Nadia Montenegro.

At paano rin daw magkakaroon ng commercial o endorsement si Danita e, kung magpresyo si Madam ay abot hanggang langit. Ang gusto naman ng nanay ng aktres ‘yung tama lang dahil baguhan pa lang ang dalaga. Ang mahalaga mayroon itong billboard at nakikita itong madalas sa TV. E, ang manager naman daw kasi ay puro pera lang ang nasa isip.

Anyway, nagtataka naman kami rito sa Kapatid network kung bakit ‘yung artista na kumikita sa kanila ay hindi nila pinagtutuunan ng pansin. Katulad ni Danita na puwede ngang sabihing reyna ng TV5 dahil siya lang ang talent dito na kumita ang teleserye.

Ang “My Driver Sweet Lover” na pinagbibidahan ni Danita kasama ang noo’y boyfriend pa niyang si JC de Vera ay ang kaisa-isang serye na kumita sa Singko. Hindi ba, Percy Intalan?

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply