Dalagita ginawang sex slave ng amain

SUMUKO na ang katawan at isipan ng isang katorse anyos na dalagita sa pagiging sex slave ng kinaksama ng kanyang ina kaya’t nagpasaklolo na ito sa kanyang mga kapitbahay sa Cagayan de Oro City sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, inaresto ng mga awtoridad ang amain ng biktima na kinilala lamang sa pangalang Chong, residente ng Tulay Semento, Lapasan, Cagayan de Oro.

Ito ay makaraang ipagharap siya ng sumbong ng kanyang mga kapitbahay dahil sa umano’y pangagahsa sa biktima na itinago sa pangalang Amor 14-anyos ng nasabing barangay.

Si Chong ay ipinagsakdal at nakapiit ngayon matapos itong arestuhin ng pulisya.

Ang biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development.

Nabatid na inaresto ang suspek batay sa reklamo ng ilang concerned citizens matapos magsumbong sa kanyang mga kapitbahay ang biktima.

Hindi na umano makayanan ng biktima ang panghahalay sa kanya ng suspek kung kaya’t humingi siya ng tulong.

Sa ngayon, inihahanda na ng pulisya ang kaukulang kaso laban sa suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply