Dalagita lupaypay sa pitong rapist sa Cebu

LUPAYPAY ang isang dalagita matapos halinhinang gahasain ng pitong kalalakihan makaraang lasingin sa Cebu sa ulat ng pulisya.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang panghahalay sa biktima na itinago sa pangalang Amor, 16 sa Sitio Kalubihan, Barangay  Cagcagan,  Poro City sa Camotes Island Cebu.

Nabatid na inimbitahan ang dalagita ng isa niyang kabarkada na kinilala sa Jerwin Naya, 18, na makipag-inuman sa mga suspek sa loob ng isang videoke bar.

Nagulat na lamang ang dalagita nang dalhin siya ng mga suspek sa isang bahay nang malasing at doon siya sinimulang molestiyahin ng mga suspek.

Hindi pa umano nasiyahan ang mga suspek at pilit siyang pinagsasayaw nang hubo’t hubad kung saan ay pinaso pa siya ng sigarilyo sa ari.

Nang makatakas ay agad siyang nagsumbong sa awtoridad dahilan para maaresto ang dalawa sa pito na Jemar Gubalane, 20 at Relwin Naya, 22.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply