14-anyos ayaw magpatira, utas sa manyak

DAHIL sa paglaban ng katorse-anyos na dalagita para hindi maangkin ng manyakis na lalaki ang dahilan kaya siya pinatay ng huli sa Masbate, sa ulat ng pulisya ngayong araw.

Sa police report, patay sa saksak si Edna Pemp, nang pumalag sa tangkang panggagahasa ng suspek na si Richard Argawanon, 21, ng Barangay Biga.

Sinasabing matapos magawa ang krimen ay nakonsensiya si Argawanon kaya nagpasyang sumuko na rin sa awtoridad.

Sa imbestigasyon, lumalabas na naglakad ang dalagita patungong San Pascual High School nang harangin ng binata at pinagtangkaang gahasain.

Subalit nanlaban aniya ito dahilan upang mapatay ng suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply