Dalagitang buntis, nilunod ang sarili

HINDI na lumutang pa ang isang problemadong dalagita nang tumalon sa sapa sa mismong Araw ng mga Puso kaninang madaling-araw sa Quezon City.

Ayon sa Philippine Coast Guard Special Operation Group (PCG-SOG), bagamat ginalugad na nila ang kabuuan ng sapa bago pa sumikat ang araw ay hindi nila natagpuan ang katawan ng biktima na nakilala lamang sa Analyn, 14.

Ayon sa PCG-SOG, naganap ang pagtalon ng biktima ala-1 ng madaling-araw sa isang sapa sa Barangay Doña Imelda, nasabing lungsod.

Ayon naman sa nobyo ng biktima na ayaw magpabanggit na pangalan, binabagabag siya ng konsensya dahil hindi niya napigilan ang pagpapatiwakal ng nobya.

Tinamaan aniya ng depresyon ang biktima may ilang araw dahil sa problema sa pamilya kaya tumalon ito sa sapa.

Lumalabas naman sa imbestigasyon na posibleng ang pagbubuntis nito ang prinoblema ng dalagita kaya nagpatiwakal.

Naniniwala naman ang PCG-SOG na tinangay ng malakas na agos ang katawan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply