Dalagitang kapitbahay pinagnasaan, kelot kulong

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos tangkang halayin ang kapitbahay na dalagita sa bahay nito sa Caloocan City kaninang umaga.

Kinilala ang suspek na si Ritchie Navarro, 21 ng 9th Avenue West ng lungsod.

Sa ulat, alas-6:15 ng umaga, nasa loob ng kanilang bahay ang edad 17 na biktima nang pasukin at tutukan ng patalim ng suspek.

Nang paglalamasin ang mga maseselang bahagi ng katawan at simulang halayin ang babae ay nagawang makapiglas nito na agad nagsisigaw.

Agad namang sumaklolo ang mga kapitbahay ng biktima na naging dahilan upang dambahin at dalhin sa presinto ang suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply