Dalawang laro ng Elasto Painter sa Dubai

DALAWANG mabigat na magkasunod na laro ang kahaharapin ng Rain or Shine sa Dubai sa Huwebes at Biyernes sa Overseas Games ng PBA Philippine Commissioners Cup.

Sa Huwebes (Pebrero 23) ay unang masusubukan ng Elasto Painters ang Barako Bull na susundan ng pagbangga nila sa crowd favorite na Ginebra Gin Kings.

Ang Elasto Painters na nasa dulo ng 10 team standings, 0-2 win-loss ay magsisikap na makuha ang unang panalo subalit butas ng karayom ang pagdadaan nila dahil mabibigat na Barako na tangan ang 1-2 record at Ginebra Gin Kings, 1-1 ang makababangga nila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply