Dalawang Pinoy timbog sa droga sa Macau

POSIBLENG maharap sa parusang kamatayan ang dalawang overseas Filipino worker (OFW) sa Macau matapos matimbog sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

Sa ulat na nakarating sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot sa 49 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 90 patacas o pera sa Macau ang nahuli ang mga Pilipino sa kanilang tinutuluyan sa Macau noong Pebrero 1.

Gayunpaman, tumanggi ang DFA na pangalanan ang mga nahuling Pilipino, 1 lalaki at babae na agad dinala sa Judiaciary Police ng Macau Special Administrative Region (SAR).

Umayuda na rin ang konsulado ng Pilipinas sa mga nahuling Pilipino upang matiyak na hindi nalabag ang kanilang karapatan at nakipag-ugnayan na rin sa pamahalaan ng Macau para sa kaso.

Umaabot na sa 19 Pilipino ang kasalukuyang nakakulong sa Macau dahil sa kasong drug possession.

Umapela rin si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa mga kababayan na maging maingat sa pagtanggap ng mga bagahe palabas ng bansa dahil posibleng naglalaman ng ipinagbabawal na droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply