David Archuleta kuwestiyonable ang gender

NAKAHAHALATA na yata ang viewers nila sa “Nandito Ako” na malamya ang lead actor sa mini-serye na si David Archuleta. Sa kanilang mga eksena, mas lalaki pang kumilos ang mga leading-ladies nitong sina Jasmine Curtis at Eula Caballero.

Kulang na lang daw ay pumilantik na ang mga daliri ng International singer para makumpirma kung ano talaga ang tunay na gender nito.

Kahit nga si young actress na taga-TV5 rin ay ask to death talaga sa friend nitong si Eula kung beki ba o hindi si David? Well, heto pa ang chika kapag On-cam lang binabati ni David ang kanyang mga kaparehang youngstar. Pero after ng take o kanilang taping ay diretso na raw sa kanyang dressing room si David at doon nagkukulong. Kaya hayan, semplang sa rating ang serye nito at kokonti lang ang kanilang commercial.

Mabuti pa ‘yung kasunod nilang “Valiente” nina JC De Vera at Oyo Sotto, talagang nagsa-shine sa ere at marami ang commercial. Themesong pa lang kasi nito na muling ni-record ni Bossing Vic Sotto ay solved ka na tapos ang ganda-ganda pa ng istorya at bonggacious ang director, si Joel Lamangan lang naman. Karma! Inagawan kasi ng time slot ng Nandito Ako ang Valiente. Panalo gyud!

***

Big Truth segment ni Kuya Boy Abunda sa The Buzz laging trending worldwide

CONGRATS muna sa bumubuo ng The Buzz dahil sila ang wagi sa 8th USTv Awards at Student Choice Awards para sa Entertainment News Show. Mas lalong inspired ngayon ang nasabing showbiz talk show dahil hindi basta-basta ang parangal na tinanggap dahil matatalinong estudyante ng University of Santo Tomas ang pumili sa kanila sa kategoryang ito na deserved na deserved naman talaga nila. Ang maganda sa bagong anyong The Buzz, lahat ng mga isyung tinatalakay nila rito at mga celebrity guests ni Kuya Boy Abunda sa kanyang Big Truth segment ay trending worldwide always sa Internet. Ang sarap panoorin ni Kuya Boy tuwing ini-interbiyu nito ang kanyang guest.

Siyempre may mga regular followers na rin ang Celebrity True Stories ni Charlene Gonzales kung saan binubuksan nito on national television ang real stories ng kanyang bisitang artista.

Tulad last Sunday, marami ang na-touched sa totoong Cesar Montano sa likod ng kamera.

Palaban rin ang Fresh Buzz ni Toni Gonzaga na tunay na maaliw ka sa pagiging jolly at energetic ng TV host-actress. Kaya kabugan na kung kabugan pero the best talaga at nag-iisa lang ang The Buzz, aired every Sunday from 4:00 PM to 6:30 PM at ABS-CBN channel 2.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply