Day 11: SALN ni Corona pinagdebatehan

SA IKA-11 araw ng impeachment trial, ay pinagdebatehan sa Senate Impeachment Court kung sapat ba para ma-impeach si Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona, ang alegasyong may mga ari-arian ito na hindi naisama o naideklara sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN).

Ang debate ay nag-ugatsa taong ni Senator-Judge Alan Peter Cayetano kung fair market value o zonal value ba ang dapat na nakasaad sa SALN.

Ayon naman kay defense lead counsel Serafin Cuevas, na batay sa batas, kumpleto dapat ang assessed value, acquisition cost at current fair market value ng isang property.

Sinang-ayunan naman ito ni House prosecutor Rep. Elpidio Barzaga Jr., ngunit sinabi niya na hindi nila ipinupunto ang maling pagdedeklara ni Corona ng acquisition cost ng ilang property nito.

Ipinaliwanag ni Cuevas, na walang kriminal at administratibong kaso ang maaaring isampa laban sa isang indibidwal kung hindi naman aniya nito sinasadyang magkamali sa kanyang SALN.

Kinontra naman ito ng prosekusyon, at nasundan pa ng isang tanong mula kay Presiding Judge Juan Ponce-Enrile sa prosekusyon sa kung ang maling deklarasyon ba sa SALN ay isang high crime.

Naaayon sa Saligang Batas, ang mga itinuturing na high crime lamang ang maaaring pagbasehan upang ma-impeach ang isang opisyal ng gobyerno, tulad ng treason, graft and corruption, betrayal of public trust at iba pa.

Ayon kay lead prosecutor Niel Tupas Jr., maituturing na betrayal of public trust ang maling pagdedeklara sa SALN at ito ay isang high crime.

Tila naasar din si Senator-judge Francis Escudero at sinabi na pag-aaksaya lang sa panahon ng impeachment court ang pagtalakay ang mga krimen na hindi naman maaaring pagbasehan para i-impeach si Corona.

Pinagpapaliwanag din ni Escudero ang magkabilang panig (depensa at prosekusyon) sa pamamagitan ng isang legal memorandum kung kailan ba dapat ideklara ng isang ang isang property sa kanyang SALN.

“Kapag nailabas na ba ang deed of sale o kapag opisyal na itong natanggap ng bumili?”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply