Day 13: Fasap president isinalang sa direct examination

ISINALANG ngayon ng prosekusyon sa witness stand si Roberto Anduiza, presidente ng Flight Attendants’ and Stewards’ Association of the Philippines (Fasap) para sa article 3 ng walong reklamo laban kay Chief Justice Renato Corona.

Nanguna sa pagtatanong kay Anduiza ay si Akbayan Rep. Kaka Bag-ao, na agad na sinabon ni Senate President Juan Ponce Enrile dahil sa paraan ng presentasyon nito sa mga impormasyon ng article 3.

Balak sana ni Bag-ao na gumamit ng Powerpoint presentation na hindi pinayagan ng Senate President.

Sa pagtestigo ni Anduiza, lumitaw na may kinalaman umano si Corona sa pagbawi ng Korte Suprema sa unang naging desisyon nito na umayon sa Fasap kung saan idineklarang iligal ang pagsibak ng Philippine Airlines (PAL) sa mahigit 1,000 empleyado nito noong 2008.

Batay sa salaysay ni Anduiza, ito ay matapos na lumiham ang abogado ng PAL management na si Estelito Mendoza sa Korte Suprema.

Una rito, tatlong beses nang nanalo ang Fasap sa Korte Suprema at dalawang ulit na ring ibinasura ang motion for reconsideration ng naturang airlines.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply