Day 13 ng Corona impeachment trial simula na

NAGSIMULA na ang ika-13 araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ngayon sa Senado.

Ang araw ay sinimulan sa isang panalangin na pinangunahan ni Senator-Judge Loren Legarda.

Nasa 19 senador ang dumalo ngayon sa impeachment proceedings.

Muli namang lumiban si Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago, na naghain ng motion for reconsideration ngayon para harangin ang pagpapa-subpoena sa mga bank acoounts ng punoong mahistrado.

Ang kanyang mosyon ay binasa ni Senator-Judge Vicente Sotto III sa impeachment court.

Samantala, nakatakdang tapusin ngayon ng prosekusyon ang kanilang paglalahad ng mga testigo at ebidensiya para sa article 2 ng walong reklamo laban sa punong mahistrado

Isusunod na tatalakayin ay ang article 3 o ang isyu na may kaugnayan sa umano’y pagbaliktad ng Korte Suprema sa isang pinal na desisyon dahil sa isang sulat ng abogado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply