DAY 15: PS Bank president nagpasa na ng paliwanag

KASABAY ng muling paglutang ng PSBank President na si Pascual Garcia III sa Impeachment Court ngayong araw ay nagpasa rin ito ng kanyang paliwanag sa pagkabigong di pagdadala sa dollar accounts records ni Chief Justice Renato Corona kahapon.

Bagamat alas-12 ng tanghali ang ultimatum sa kanya ng Senado ay nakarating ang paliwanag ng nasabing opsiyal alas-12:14 na ng tanghali.

Matatandaan na bago matapos ang impeachment proceedings kahapon, Pebrero 8 ay hiniling ni Senator-judge Franklin Drilon na dapat magsumite ng written explanation si Garcia sa hindi pagdadala sa ipina-subpoena na mga dokumento ng korte sa pangambang makasuhan ng criminal liability.

Kung hindi nagpasa ng paliwanag si Garcia, nauna na siyang binantaan na iko-contempt ng Senado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply