DAY 16: Annabelle Tiongson, isinalang na sa witness stand

ISA-ISA nang pinatutukoy ng prosekusyon sa testigo na si Annabelle Tiongson, manager ng PS Bank Katipunan Branch ang limang peso account ni CJ Corona na nauna nang ipina-subpoena ng Impeachment court sa pagpapatuloy sa pagdinig sa kaso ng Punong Mahistrado.

Nilinaw ni Tiongson na ang dala niyang mga dokumento ay ayon na rin sa mga ipina-subpoena ng Senado,  inihanda ng kanilang IT department at hindi na ngangailangan ng pirma dahil iyon ay computer generated.

Unang inilabas ni Tiongson ang peso time deposit account ni Corona na may account number 089121017358, may P8-M opening balance.

Kaugnay nito, hiniling naman ng prosekusyon na markahan ang dalang bank certificate ng nasabing testigo.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply