DAY 18: Log book ng PSBank, pinadadala

INIUTOS ni Senate President Juan Ponce Enrile sa PSBank ang pagdadala sa impeachment court sa log book ng PSBank, partikular na ang naglalaman ng accounts ni Chief Justice Renato Corona sa pagpapatuloy ng impeachment trial.

Para masigurong tanging peso accounts lamang ang maipapakita sa ckorte ay inatasan din si PSBank branch manager Anabelle Tiongson na takpan na lamang ang bahaging nakikita ang foreign accounts.

Ito ay makaraang magpahayag ng pagkabahala ang abogado ni Tiongson na sa paglalabas ng dokumento ay makikita na rin ang dollar accounts na sakop naman ng TRO ng Korte Suprema.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply