Day 20: Mahigit 60 kongresista dumagsa

DUMAGSA ngayon sa Sendao ang mga kongresista sa ika-20 araw ng paglilitis sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Kinumpirma ngayon ni House Speaker Feliciano “SB” na aabot mula 40 hanggang 60 kongresista ang nasa plenaryo ng Senado upang magbigay suporta sa prosekusyon.

Ngunit kinumpirma ng isang kongresista na hindi nagpabanggit ng pangalan na mahigit sa 60 kongresista ang narito ngayon sa Senado.

Ito aniya ay upang ipakita ang suporta ng Kamara sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Corona matapos mabunyag nitong nakaraang linggo lamang ang pagkakadawit ni Quezon City Rep. Jorge “Bolet” Banal sa pangangalap ng dokumento sa Philippine Savings Bank (PSBank).

“I think from the start of the impeachment this is the only second time that I myself requested more than the usual contingent. Usually may mga 15 dito in addition to the prosecutors,” pag-amin ni Belmonte.

Taliwas naman sa pahayag ni PSBank Katipunan Branch manager Anabel Tiongson, sinabi ni Belmonte na hindi siya naniniwalang sangkot si Banal sa pangangalap ng dokumento ukol sa bank accounts ni Corona sa naturang bangko.

“I am not aware na may involvement si Congressman Banal,” binigyang diin pa ni Belmonte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply