Day 20 ng impeachment trial simula na

NAGSIMULA na ang ika-20 araw ng paglilitis sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Isa sa inaasahan ngayong araw ay ang muling pagsalang ni PSBank Katipunan branch manager Anabelle Tiongson.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inihayag ni Tiongson na pinuntahan siya ni Quezon City Rep. Jorge Banal noong Enero 31, 2012 para humingi sa kaniya ng tulong.

Kaugnay nito, inaasahan na babatuhin din ng mga tanong ng senator-judges si Banal hinggil sa kung paano nito nakuha ang mga dokumento kaugnay sa umano’y bank accounts ni Corona sa nasabing bangko.

Nauna nang sinabi ni Banal sa kanyang pagharap sa impeachment trial na iniwan ang mga naturang dokumento sa gate ng kanilang bahay noong Enero.

Ang mga nasabing papeles din ang sinasabing ibinigay diumano kay Rep. Reynaldo Umali sa Senado ng isang “small lady” na siyang pinagbatayan ng subpoena sa bank records ng punong mahistrado.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply