Day 21: Pagsalang ng kinatawan ng BPI naantala

MEDYO naantala ang pagsalang sa witness stand ng assistant manager ng Bank of the Philippine Islands (BPI) Ayala Avenue branch na si Mara Arcilla dahil sa ilang mga isyu kung karapat-dapat ba itong tumestigo.

Ayon kay Senate President Juan Ponce-Enrile, “incompetent” para maging testigo si Arcilla dahil hindi umano sapat ang nalalaman nito upang makapagprodyus ng mga dokumento gaya ng kopya ng bank balances ni Chief Justice Renato Corona na ipinadadala ng impeachment court.

Si Arcilla ang ipinadala ng BPI, kung saan may bank accounts ang punong mahistrado, kapalit ng nanganak na branch manager na si Leonora Dizon.

Si Dizon dapat ang nakatakdang magprisinta ng ilang dokumento.

Inatasan ng impeachment court na dalhin ni Dizon ang buwanang bank records ni Corona mula taong 2005 hanggang 2010.

Kinuwestiyon din ng depensa ang pagharap ni Arcilla kapalit ni Dizon.

Dahil dito, ipinasumite na lang ng impeachment court kay Arcilla ang mga hinihinging dokumento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply