Re-examination ng Rule 17 hiniling ng depensa

HINILING ngayon ng Defense Panel na maeksaminang muli ang Rule 17 ng impeachment court.

Ayon kay dating chief justice Serafin Cuevas, lead ng Defense Panel, na maaaring magdulot ng mistrial ang rules sa pagtatanong ng mga senator-judge.

Inihayag din ni Cuevas ang kanyang hinaing. Aniya, hindi umano patas ang proseso ng paglilitis kay Chief Justice Renato Corona kung saan ipinagbabawal ang pag-object ng magkabilang panig sa mga tanong ng senator-judges sa mga testigo.

Dagdag pa ni Cuevas, pagkatapos ng katanungan ng ilang senator-judge ay agad na ipinasusubpina ang dokumentong nais makita ng huwes mula sa mga testigo. Naniniwala si Cuevas na hindi ito patas para sa panig ng nasasakdal dahil hindi sila napagbibigyan na mag-object.

Tinutulan naman ni Rep. Rudy Fariñas ang mga sinabi ni Cuevas.

Ani Farinas, perpekto na ang umiiral na rules para sa paglilitis.

Ayon naman kay Senate President Juan Ponce Enrile, tatalakayin ng impeachment court ang isyu sa pagtatanong ng mga senator-judge sa itatakdang caucus.

Hindi rin aniya madaling amyendahan ang impeachment rules dahil kailangan ng mahabang proseso at gugugol ng mahabang oras. Maaari ring mahinto ang pagdinig kapag inamyendahan ang impeachment rules.

Tiniyak naman ni Enrile na ibibigay nila ang patas na paglilitis kay Corona.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply