Day 22: Miriam suportado ang pagbasura sa PAL witness

SUPORTADO ni Senator-judge Miriam Defensor Santiago ang ruling ng Senate Impeachment Court na huwag kilalanin ang mga alegasyon at testimonya na walang direktang basehan sa walong artikulo ng reklamo laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ito ang sinabi ngayon ng senadora sa pagbubukas ng paglilitis ngayong araw kaugnay sa hindi pagpayag ng impeachment court na tumestigo ang kinatawan ng PAL.

“Ruling not allowing PAL testimony, I support it. In fact, I insist on it,” sabi ng senadora.

Mariing sinabi pa ng senadora na labag sa batas ang pagkuha basta-basta ng anumang ebidensiya upang may maihain lang para sa isang sensetibong usapin.

“We can’t admit testimony, evidence of anyone concerning allegation not included in complaint,” giit ni Santiago.

Sinabihan rin ng senadora ang mga tinutukoy niyang nagdudunung-dungan lang na magbasa ng batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply