Day 22 ng impeachment trial simula na

NAGSIMULA na ngayon ang ika-22 araw ng paglilitis ng impeachment case laban kay Chief Justice Renato Corona.

Ang panimulang panalangin ay pinangunahan ni Senator-judge Manny Villar.

Nakatakdang talakayin ngayong araw ay ang Article 7.

Ang Article 7 ay may kaugnayan sa betrayal of public trust nang payagan ng punong mahistrado na makapag-abroad si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si Atty. Jose Miguel Arroyo sa pamamagitan nang paglalabas ng temporary restraining order (TRO) sa watch list order ng Department of Justice (DOJ) laban sa mag-asawa.

Inaasahang magpiprisinta ng ebidensiya ang prosekusyon na may kinalaman sa nabanggit na article.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply