Day 22: Salaysay ni De Lima sinopla ni Cuevas

TAHASANG sinabi ni dating Justice Serafin Cuevas na lumalayo na sa tunay na paksa ng impeachment trial ang salaysay ni Justice Secretary Leila De Lima.

Ayon pa sa panig ng depensa, walang kinalaman sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang naging salaysay ni De Lima.

Hindi rin umano ito maiuugnay sa pagtalakay ng Article 7 na may kinalaman sa temporary restaining order (TRO) ng Korte Suprema para makabiyahe sa abroad upang makapagpagamot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang asawang si dating First Gentlemen Mike Arroyo.

Sinabi pa ni Cuevas na pawang opinyon o kritisismo lamang ni De Lima ang narinig ngayon sa pagharap nito ukol sa naging desisyon ng Korte Suprema sa inilabas na TRO.

“Testimony of witness is practically amending, criticizing SC decision. It has nothing to do with Corona impeachment,” ani Cuevas.

Mariing sinabi rin ni Cuevas na batay sa mga pahayag ngayon ni De Lima ay mistulang nagpapahiwatig ito na dapat ma-impeach ang punong mahistrado dahil sa umano’y pagiging utak nito sa pagpapalabas ng TRO.

“Corona is being impeached allegedly because he masterminded the granting of TRO, I don’t see any testimony to prove that,” dagdag pa ni dating Associate Justice Serafin Cuevas.

Samantala, pagharap ngayon ni De Lima, nabatid na walong justices ng Supreme Court, kabilang si Chief Justice Corona ang pumabor sa ipinalabas na TRO noon.

Kabilang sa mga ito ay sina Justices Roberto Abad, Arturo Brion, Presbitero Velasco, Lucas Bersamin, Diosdado Peralta, Jose Perez at Martin Villarama.

Ayon pa sa panig ng depensa, walang kinalaman sa paglilitis kay Chief Justice Renato Corona ang naging salaysay ni De Lima.

Hindi umano ito maiuugnay sa pagtalakay ng Article 7 na may kinalaman sa temporary restaining order (TRO) ng Korte Suprema para makabiyahe sa abroad upang makapagpagamot si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kasama ang asawang si dating First Gentlemen Mike Arroyo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply