Day 24: Senado, SC magkakabanggaan — Miriam

MAGKAKABANGGAAN ang Senado at Supreme Court oras na sundin ng impeachment court ang kahilingan ng prosekusyon na padalhan ng written interrogatories si Associate Justice Ma. Lourdes Sereno upang humarap sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang sinabi ni Senator-Judge Miriam Defensor Santiago ngayon sa ika-24 araw ng impeachment trial.

Ihinirit kasi ngayon ng prosekusyon na ituloy ng impeachment court ang pagpapatawag sa mga tauhan ng Supreme Court (SC) kahit na nagpalabas na ng resolusyon ang SC noong Pebrero 14 na hindi pinapayagang humarap sa Corona trial ang kanilang mga empleyado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply