Day 25: ABS-CBN librarian, camera man isinalang sa witness stand

PANGALAWANG isinalang sa witness stand ang camera man ng ABS-CBN na si Danny Piedad habang hinihintay pa ang nauna nang isinalang na camera man kahapon sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay SC Chief Justice Renato Corona ngayong araw.

Dito ay kinilala ni Piedad ang kanyang kuhang video sa tangkang pag-alis noon ng bansa ni dating Pangulong Gloria Arroyo na kuha sa NAIA Terminal 1, Nobyembre 15, 2011.

Kasunod ni Piedad, itinuloy naman ang pagsalang sa ikatlong testigo na si Rochelle Mendez, librarian ng ABS-CBN news.

Agad naman siyang isinalang sa cross examination ng depensa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply