Day 25: Depensa hiniling na ipagpatuloy ang cross examination bukas

HINILING ng Defense Panel ngayon sa impeachment court na bukas na lamang ipagpatuloy ang kanilang cross examination sa cameraman na isinalang ng prosekusyon sa witness stand.

Sinabi ni lead defense counsel at dating associate justice Serafin Cuevas na hindi niya personal na narinig ang mga pahayag ng testigong si Danilo Piedad na mula sa ABS-CBN.

Ang kahilingan ay pinagbigyan naman ng impeachment court.

Kahit na tinangka ng House Prosecution Panel na kontrahin ang pagpayag ng impeachment court ay nabigo naman sila nang sabihin ni Senate President Juan Ponce Enrile na karapatan ito ng depensa. Dahil dito, hindi aniya, maaaring pagkaitan ang kahilingan ni Cuevas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply