Day 25: Prosekusyon tinapos ang presentasyon sa kaso

TINATAPOS na ngayon ng House Prosecution Panel ang presentasyon ng kanilang kaso laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa pahayag ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Niel Tupas Jr. sa impeachment court, sapat na ang mga naiprisinta nilang ebidensiya para mapatalsk ang punong mahistrado kaya’t tinatapos na nila ang presentasyon sa kaso.

Ngayong ika-25 araw ng impeachment trial ay umaabot na sa 25 testigo at 395 documentary evidence ang naiharap ng prosekusyon sa impeachment court.

Sa walong Article of Impeachment na isinampa ng prosekusyon laban kay Corona ay ang Article 2, 3 at 7 lang ang kanilang tinalakay.

Binabawi ng prosekusyon ang Article 1, 8, 4, 5 at 6.

Humingi rin si Tupas sa impeachment court ng panahon para sa kanilang formal offer of evidence sa kanilang kaso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply