Day 25:Empleyado ng Palasyo isinalang sa witness stand

NAPAGKASUNDUAN ng impeachment court at prosekusyon na magsalang ng ibang testigo.

Ito ay matapos na suspendihin ang pagsalang muli ni Edmond Llosala na cameranman ng ABS-CBN na nakakuha ng video ng presscon ng Supreme Court noong Nobyembre 15, 2011.

Wala pa kasi ang lider ng Defense Panel na si dating SC associate justice Serafin Cuevas na naipit sa mabigat na daloy ng trapiko bunsod ng Evangelical Mission ng religious group na Iglesia Ni Cristo ngayong araw.

Dahil dito, agad na isinalang sa witness stand si Elenita Gatbonton ang presidential staff officer ng Malakanyang noong panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Si Gatbonton ay tetestigo upang kilalanin ang mga dokumento na may kinalaman sa punong mahistrado noong tauhan pa ito ni Ginang Arroyo.

Nais palabasin ng prosekusyon ang klase ng ugnayan na mayroon sina Arroyo at Corona na posibleng ugat kung bakit tila laging pabor ang punong mahistrado sa dating Pagulo, sa ilang pending case sa Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply