Day 26 ng Corona trial simula na

NAGSIMULA na ang ika-26 na araw ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Ang panimulang panalangin ay pinangunahan ni Senator-judge Pia Cayetano.

Inaasahan ngayon na magsusumite ang House Prosecution Panel ng formal notice na kanila nang iniuurong ang limang article sa walong Article of Impeachment (article 1,  4, 5, 6 at 8) na isinampa laban sa punong mahistrado.

Magugunita na kahapon (Martes, Pebrero 28) ay tinapos na ng prosekusyon ang presentasyon sa kaso.

Sinabi kahapon ni lead prosecutor at Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr. sa impeachment court na naniniwala ang kanilang panig na mai-impeach si Corona batay sa mga iprinisinta nilang testigo at ebidensya sa article 2, 3 at 7.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply