DBP ‘di na magagatasan ng mga tiwaling opisyal

MALABO nang gamitin bilang “milking cow” ng mga opsiyal ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang kanilang kompanya.

Sa idinaos na 65th Anniversary program ng DBP, tiniyak ni Pangulong Benigno Aquino III na unti-unti nang ibinabangon ng DBP ang kanilang karangalan sa nakalipas na isang dekada makaraang walang habas na mangurakot ang mga opisyal nito.

Aniya, balik na ang DBP ngayon sa tunay nitong layuning magbigay ng tulong pinansyal para sa pag-angat mula sa kahirapan at sama-samang pag-unlad ng mga mamamayan.

Tinukoy nito ang P4.2 billion net income ng DBP sa nakaraang taon na mas mataas ng 8% sa P3.73 bilyon na target.

Sa kabilang dako, nagbabala naman ang Punong Ehekutibo sa mga opisyal ng DBP na huwag subukan at ubusin ang kanyang pasensya dahil may limitasyon umano ang kanyang pasensya lalo sa mga haharang sa kanyang ipinatutupad na reporma.

Sa susunod na taon aniya ay mas paiigtingin pa ang gagawing kampanya para parusahan ang mga nagkasala sa taumbayan.

Itinuturing ang Pilipinas bilang ikatlo sa mga bansang madalas na dinaraanan ng malalakas na bagyo, kasunod ang India at Tsina dahilan upang isinulong ng isang mambabatas ang pagtatag ng climate change fund na makatutulong sa mga nabibiktima ng kalamidad na dumaraan sa bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply